Add parallel Print Page Options

Sa (A)kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli (B)sa pamatok ng pagkaalipin.

Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (C)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.

Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (D)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.

Kayo'y hiwalay kay Cristo, (E)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (F)sa biyaya.

Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (G)naghihintay ng pangako ng katuwiran.

Sapagka't (H)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (I)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; (J)sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?

Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula (K)doon sa tumawag sa inyo.

Ang kaunting lebadura ay (L)nagpapakumbo sa buong limpak.

10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't (M)ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.

11 Nguni't ako, mga kapatid, (N)kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, (O)bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos (P)na ang katitisuran sa krus.

12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng (Q)higit sa pagtutuli.

13 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa (R)kalayaan; (S)huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

14 Sapagka't ang (T)buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: (U)Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

15 Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.

16 Sinasabi ko nga, (V)Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.

17 Sapagka't (W)ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; (X)upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.

18 Datapuwa't (Y)kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.

19 (Z)At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na (AA)ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

22 Datapuwa't (AB)ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, (AC)kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

23 Kaamuan, pagpipigil; (AD)laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

24 At (AE)ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.

25 (AF)Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.

26 Huwag tayong maging mga palalo, (AG)na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

Ang Ating Kalayaan kay Cristo

Pinalaya tayo ni Cristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya nʼyo at huwag na kayong magpaaliping muli. Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. Inuulit ko na ang sinumang magpapatuli para maging katanggap-tanggap sa Dios ay obligadong sumunod sa buong Kautusan. Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng Kautusan ay nahiwalay na kay Cristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Dios. Ngunit umaasa kami at nananalig na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya namin, ituturing kaming matuwid ng Dios. Sapagkat sa mga nakay Cristo, walang halaga ang pagiging tuli o hindi. Ang tanging mahalaga ay ang pananampalatayang nakikita sa pamamagitan ng pagmamahalan.

Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan? Hindi maaaring ang Dios ang pumigil sa inyo dahil siya ang tumawag sa inyo sa pananampalataya. Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina. 10 Umaasa ako sa Panginoon na hindi kayo magpapadala sa ibang pananaw. Parurusahan ng Dios ang mga nanggugulo sa inyo maging sino man sila.

11 May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli para maging katanggap-tanggap sa Dios. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Cristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba. 12 At sa mga nanggugulo naman sa inyo, hindi lang sana sila magpatuli kundi magpakapon na rin.

13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. 14 Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”[a] 15 Ngunit kung patuloy kayong mag-aaway-away na parang mga hayop, baka tuluyan na ninyong masira ang buhay ng isaʼt isa.

Ang Pamumuhay sa Banal na Espiritu

16 Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin. 18 Ngunit kung nagpasakop na kayo sa Banal na Espiritu, hindi na kayo sakop ng Kautusan.

19 Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, 20 pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim,[b] pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, 21 pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

22 Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios. 24 Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus. 25 At dahil nga namumuhay na tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, magpatuloy tayo sa patnubay nito. 26 Huwag tayong maging mapagmataas, huwag nating galitin ang ating kapwa, at iwasan ang inggitan.

Footnotes

  1. 5:14 Lev. 19:18.
  2. 5:20 pagkasakim: o, pagkamakasarili.

Freedom in Christ

It is for freedom that Christ has set us free.(A) Stand firm,(B) then, and do not let yourselves be burdened again by a yoke of slavery.(C)

Mark my words! I, Paul, tell you that if you let yourselves be circumcised,(D) Christ will be of no value to you at all. Again I declare to every man who lets himself be circumcised that he is obligated to obey the whole law.(E) You who are trying to be justified by the law(F) have been alienated from Christ; you have fallen away from grace.(G) For through the Spirit we eagerly await by faith the righteousness for which we hope.(H) For in Christ Jesus(I) neither circumcision nor uncircumcision has any value.(J) The only thing that counts is faith expressing itself through love.(K)

You were running a good race.(L) Who cut in on you(M) to keep you from obeying the truth? That kind of persuasion does not come from the one who calls you.(N) “A little yeast works through the whole batch of dough.”(O) 10 I am confident(P) in the Lord that you will take no other view.(Q) The one who is throwing you into confusion,(R) whoever that may be, will have to pay the penalty. 11 Brothers and sisters, if I am still preaching circumcision, why am I still being persecuted?(S) In that case the offense(T) of the cross has been abolished. 12 As for those agitators,(U) I wish they would go the whole way and emasculate themselves!

Life by the Spirit

13 You, my brothers and sisters, were called to be free.(V) But do not use your freedom to indulge the flesh[a];(W) rather, serve one another(X) humbly in love. 14 For the entire law is fulfilled in keeping this one command: “Love your neighbor as yourself.”[b](Y) 15 If you bite and devour each other, watch out or you will be destroyed by each other.

16 So I say, walk by the Spirit,(Z) and you will not gratify the desires of the flesh.(AA) 17 For the flesh desires what is contrary to the Spirit, and the Spirit what is contrary to the flesh.(AB) They are in conflict with each other, so that you are not to do whatever[c] you want.(AC) 18 But if you are led by the Spirit,(AD) you are not under the law.(AE)

19 The acts of the flesh are obvious: sexual immorality,(AF) impurity and debauchery; 20 idolatry and witchcraft; hatred, discord, jealousy, fits of rage, selfish ambition, dissensions, factions 21 and envy; drunkenness, orgies, and the like.(AG) I warn you, as I did before, that those who live like this will not inherit the kingdom of God.(AH)

22 But the fruit(AI) of the Spirit is love,(AJ) joy, peace,(AK) forbearance, kindness, goodness, faithfulness, 23 gentleness and self-control.(AL) Against such things there is no law.(AM) 24 Those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh(AN) with its passions and desires.(AO) 25 Since we live by the Spirit,(AP) let us keep in step with the Spirit. 26 Let us not become conceited,(AQ) provoking and envying each other.

Footnotes

  1. Galatians 5:13 In contexts like this, the Greek word for flesh (sarx) refers to the sinful state of human beings, often presented as a power in opposition to the Spirit; also in verses 16, 17, 19 and 24; and in 6:8.
  2. Galatians 5:14 Lev. 19:18
  3. Galatians 5:17 Or you do not do what