Font Size
Galacia 1:12-14
Ang Salita ng Diyos
Galacia 1:12-14
Ang Salita ng Diyos
12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.
13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumigasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International