Font Size
Galacia 1:11-13
Ang Salita ng Diyos
Galacia 1:11-13
Ang Salita ng Diyos
Tinawag ng Diyos si Pablo
11 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo, na ang ebanghelyo na ipinangaral ko ay hindi nagmula sa tao.
12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.
13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International