Add parallel Print Page Options

25 Ngunit naisip kong kailangang suguin ko sa inyo si Epafrodito na aking kapatid, kamanggagawa at kapwa kawal, ngunit sugo at lingkod ninyo na tumitingin sa aking mga pangangailangan. 26 Ito ay sapagkat siya ay sabik na sabik sa inyong lahat at labis na namamanglaw dahil sa nabalitaan ninyong siya ay nagkasakit. 27 Ito ay sapagkat totoo ngang siya ay nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos at hindi lamang siya kundi ako rin naman upang huwag akong magkaroon ng sunod-sunod na kalungkutan.

Read full chapter