Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat na tulad ng pagmamalasakit na mayroon si Jesucristo.

Ito ang aking panalangin na ang inyong pag-ibig ay lalung-lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pagkaunawa. 10 Dalangin ko rin na mapili ninyo ang mga bagay na pinakamabuti upang kayo ay maging tapat at walang kapintasan hanggang sa araw ni Cristo.

Read full chapter