Add parallel Print Page Options

Lubos akong nakakatiyak sa bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesucristo.

Matuwid lamang na maging ganito ang aking kaisipan sa inyong lahat sapagkat kayo ay nasa puso ko. Kayong lahat ay kabahagi ko sa biyaya, sa pagkatanikala, sa pagtatanggol at sa pagpapatunay na totoo ang ebanghelyo. Ito ay sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat na tulad ng pagmamalasakit na mayroon si Jesucristo.

Read full chapter