Add parallel Print Page Options

25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;

26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.

27 Ang inyo lamang pamumuhay (A)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (B)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (C)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (D)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

Read full chapter