Add parallel Print Page Options

18 Ano nga ang kahalagahan nito? Ang mahalaga ay naipangaral si Cristo sa anumang paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan. Dahil dito, ako ay nagagalak at patuloy na magagalak.

19 Sapagkat nalalaman kong ang kahihinatnan nito ay ang aking kalayaan sa pamamagitan ng inyong pananalangin may paghiling at sa pamamagitan ng mga ipinagkakaloob ng Espiritu ni Jesucristo. 20 Ito ay ayon sa aking mataimtim na pag-asam at pag-asa na sa anuman bagay ay hindi ako mapapahiya. Sa halip, sa pagtaglay ko ng buong katapangan na gaya rin ng dati, aydakilain si Cristo sa aking katawan maging sa buhay o sa kamatayan.

Read full chapter