Ezra 3-6
Ang Biblia (1978)
Ginanap ang pagsambang may handog.
3 At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem.
2 Nang magkagayo'y tumayo si (A)Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si (B)Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, (C)gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na (D)lalake ng Dios.
3 At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya; sapagka't ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain: at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon, sa makatuwid baga'y ng mga (E)handog na susunugin sa umaga't hapon.
4 At kanilang ipinagdiwang ang (F)kapistahan ng mga balag, (G)gaya ng nasusulat, at naghandog ng mga (H)handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang, ayon sa ayos, gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa't araw;
5 At pagkatapos ng (I)palaging handog na susunugin, at ng mga handog sa mga bagong buwan, at ng lahat na takdang (J)kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga, at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon.
6 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon: nguni't ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay.
7 Sila'y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at (K)pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa (L)Joppa (M)ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia.
Pinasimulan ang muling pagtatayo ng templo.
8 Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si (N)Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa (O)dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
9 Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni (P)Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.
10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na (Q)bihis, na may mga (R)pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga (S)simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, (T)ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.
11 (U)At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, (V)na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.
12 Nguni't (W)marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan:
13 Na anopa't hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan; sapagka't ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw, at ang ingay ay narinig sa malayo.
Ang mga salungat ay sumulat kay Artajerjes.
4 Nang mabalitaan nga ng mga (X)kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;
2 Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga (Y)kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.
3 Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na (Z)hari sa Persia,
4 Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo.
5 At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia.
6 At sa paghahari ni (AA)Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem.
7 At sa mga kaarawan ni Artajerjes, nagsisulat si Bislam, si (AB)Mitridates, si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria, at ang laman niyaon ay wikang (AC)Siria.
8 Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim, sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan:
9 Nang magkagayo'y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim, at ang nalabi sa kanilang mga kasama; ang mga Dinaita, at ang mga Apharsacita, ang mga Tharphelita, ang mga Apharsita, ang mga Archevita, ang mga Babilonio, ang mga Susanchita, ang mga Dehaita, ang mga Elamita.
10 At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si (AD)Asnappar, at inilagay sa bayan ng Samaria, at sa nalabi sa lupain, na nasa dako roon ng Ilog, at sa iba pa.
11 Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari: Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog, at iba pa.
12 Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon.
13 Talastasin ngayon ng hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, sila'y hindi mangagbabayad ng (AE)buwis, kabayaran, o upa, at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari.
14 Sapagka't aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari, at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari, kaya't kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari;
15 Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.
16 Aming pinatototohanan sa hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito.
Nagutos si Artajerjes na itigil ang pagtatayo.
17 Nang magkagayo'y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni, at kay Simsai na kalihim, at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria, at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog: Kapayapaan, at iba pa.
18 Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko.
19 At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.
20 Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na (AF)nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila.
21 Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito, at upang ang bayang ito ay huwag matayo, hanggang sa ang pasiya ay magawa ko.
22 At kayo'y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito: bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari?
23 Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila'y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.
24 Nang magkagayo'y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia.
Si Tatnai ay sumulat kay Dario.
5 Ang mga propeta nga, si (AG)Haggeo na propeta, at si (AH)Zacharias na anak ni Iddo, ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila;
2 Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila.
3 Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, at nagsabi ng ganito sa kanila: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito, at yariin ang kutang ito?
4 Nang magkagayo'y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan: Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito?
5 Nguni't ang (AI)mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio, at hindi nila pinatigil, hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario, at nang magkagayo'y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon.
6 Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai, at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita, na nangasa dako roon ng Ilog, kay Dario na hari:
7 Sila'y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya, na kinasusulatan ng ganito: Kay Dario na hari, buong kapayapaan.
8 Talastasin ng hari, na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda, sa bahay ng dakilang Dios, na natayo ng mga malaking bato, at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay.
9 Nang magkagayo'y tumanong kami sa mga matandang yaon, at nagsabi sa kanila ng ganito: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito?
10 Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan, na patotohanan sa iyo, upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila.
11 At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin, na nangagsasabi, Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa, at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon, na itinayo at niyari ng isang (AJ)dakilang hari sa Israel.
12 Nguni't (AK)pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang, ibinigay niya sila sa kamay ni (AL)Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Caldeo, na siyang gumiba ng bahay na ito, at dinala ang bayan sa Babilonia.
13 Nguni't sa unang taon ni (AM)Ciro na hari sa Babilonia, gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios,
14 (AN)At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia, ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari, at ibinigay sa isang nagngangalang (AO)Sesbassar, na siya niyang ginawang tagapamahala,
15 At sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang mga sisidlang ito, ikaw ay yumaon, ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem, at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako.
16 Nang magkagayo'y naparoon ang Sesbassar na yaon, at (AP)inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem: at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo, at hindi pa yari.
17 Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito.
Nasumpungan ni Dario ang pasiya ni Ciro.
6 Nang magkagayo'y si Dario, na hari ay gumawa ng pasiya, at ang (AQ)pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat, na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia.
2 At nasumpungan sa Achmetta, sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media, ang isang ikid, at doo'y nasusulat ang ganito na pinakaalaala.
3 Nang unang taon ni Ciro na hari, si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya: Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem, ipahintulot na matayo ang bahay, ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain, at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon; ang taas niyao'y anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na pung siko,
4 (AR)Na may tatlong hanay na mga malaking bato, at isang hanay ng bagong kahoy: at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari:
5 At ang ginto at pilak na mga (AS)sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios.
6 (AT)Ngayon nga, Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, Setharboznai, at ang inyong mga kasama na mga (AU)Apharsachita, na nasa dako roon ng Ilog, magsilayo kayo mula riyan:
7 Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako.
8 Bukod dito'y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios: na sa mga pagaari ng hari, sa makatuwid baga'y sa (AV)buwis sa dako roon ng Ilog, ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat.
9 At ang kanilang kakailanganin, mga guyang toro, at gayon din ang mga tupa, at mga kordero, na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit; trigo, asin, alak, at langis, ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem, ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala.
10 Upang sila'y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit, at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak.
11 Ako nama'y gumawa ng pasiya, na sinomang bumago ng salitang ito, hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya, at mabitin doon; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito:
12 At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang (AW)pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan, na maguunat ng kanilang kamay na baguhin, upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem. Akong si Dario ang gumawa ng pasiya: isagawa ng buong sikap.
Ang templo ay natapos at inihandog.
13 Nang magkagayo'y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, dahil sa iniutos ni Dario na hari, ay gumawa ng buong sikap.
14 At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni (AX)Ciro at ni (AY)Dario, at ni (AZ)Artajerjes na hari sa Persia.
15 At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng (BA)Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari.
16 At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng (BB)pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.
17 At sila'y (BC)nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinaka handog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.
18 At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga (BD)bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat (BE)sa aklat ni Moises.
Ang pista ng Panginoon ay iningatan.
19 At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang (BF)ikalabing apat ng unang buwan.
20 Sapagka't ang mga saserdote at ang mga Levita ay (BG)nangagpakalinis na magkakasama; silang lahat ay malilinis: at kanilang (BH)pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag, at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote, at sa kanilang sarili.
21 At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.
22 At nangagdiwang ng (BI)kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.
Ezra 3-6
New International Version
Rebuilding the Altar
3 When the seventh month came and the Israelites had settled in their towns,(A) the people assembled(B) together as one in Jerusalem. 2 Then Joshua(C) son of Jozadak(D) and his fellow priests and Zerubbabel son of Shealtiel(E) and his associates began to build the altar of the God of Israel to sacrifice burnt offerings on it, in accordance with what is written in the Law of Moses(F) the man of God. 3 Despite their fear(G) of the peoples around them, they built the altar on its foundation and sacrificed burnt offerings on it to the Lord, both the morning and evening sacrifices.(H) 4 Then in accordance with what is written, they celebrated the Festival of Tabernacles(I) with the required number of burnt offerings prescribed for each day. 5 After that, they presented the regular burnt offerings, the New Moon(J) sacrifices and the sacrifices for all the appointed sacred festivals of the Lord,(K) as well as those brought as freewill offerings to the Lord. 6 On the first day of the seventh month they began to offer burnt offerings to the Lord, though the foundation of the Lord’s temple had not yet been laid.
Rebuilding the Temple
7 Then they gave money to the masons and carpenters,(L) and gave food and drink and olive oil to the people of Sidon and Tyre, so that they would bring cedar logs(M) by sea from Lebanon(N) to Joppa, as authorized by Cyrus(O) king of Persia.
8 In the second month(P) of the second year after their arrival at the house of God in Jerusalem, Zerubbabel(Q) son of Shealtiel, Joshua son of Jozadak and the rest of the people (the priests and the Levites and all who had returned from the captivity to Jerusalem) began the work. They appointed Levites twenty(R) years old and older to supervise the building of the house of the Lord. 9 Joshua(S) and his sons and brothers and Kadmiel and his sons (descendants of Hodaviah[a]) and the sons of Henadad and their sons and brothers—all Levites—joined together in supervising those working on the house of God.
10 When the builders laid(T) the foundation of the temple of the Lord, the priests in their vestments and with trumpets,(U) and the Levites (the sons of Asaph) with cymbals, took their places to praise(V) the Lord, as prescribed by David(W) king of Israel.(X) 11 With praise and thanksgiving they sang to the Lord:
“He is good;
his love toward Israel endures forever.”(Y)
And all the people gave a great shout(Z) of praise to the Lord, because the foundation(AA) of the house of the Lord was laid. 12 But many of the older priests and Levites and family heads, who had seen the former temple,(AB) wept(AC) aloud when they saw the foundation of this temple being laid, while many others shouted for joy. 13 No one could distinguish the sound of the shouts of joy(AD) from the sound of weeping, because the people made so much noise. And the sound was heard far away.
Opposition to the Rebuilding
4 When the enemies of Judah and Benjamin heard that the exiles were building(AE) a temple for the Lord, the God of Israel, 2 they came to Zerubbabel and to the heads of the families and said, “Let us help you build because, like you, we seek your God and have been sacrificing to him since the time of Esarhaddon(AF) king of Assyria, who brought us here.”(AG)
3 But Zerubbabel, Joshua and the rest of the heads of the families of Israel answered, “You have no part with us in building a temple to our God. We alone will build it for the Lord, the God of Israel, as King Cyrus, the king of Persia, commanded us.”(AH)
4 Then the peoples around them set out to discourage the people of Judah and make them afraid to go on building.[b](AI) 5 They bribed officials to work against them and frustrate their plans during the entire reign of Cyrus king of Persia and down to the reign of Darius king of Persia.
Later Opposition Under Xerxes and Artaxerxes
6 At the beginning of the reign of Xerxes,[c](AJ) they lodged an accusation against the people of Judah and Jerusalem.(AK)
7 And in the days of Artaxerxes(AL) king of Persia, Bishlam, Mithredath, Tabeel and the rest of his associates wrote a letter to Artaxerxes. The letter was written in Aramaic script and in the Aramaic(AM) language.[d][e]
8 Rehum the commanding officer and Shimshai the secretary wrote a letter against Jerusalem to Artaxerxes the king as follows:
9 Rehum the commanding officer and Shimshai the secretary, together with the rest of their associates(AN)—the judges, officials and administrators over the people from Persia, Uruk(AO) and Babylon, the Elamites of Susa,(AP) 10 and the other people whom the great and honorable Ashurbanipal(AQ) deported and settled in the city of Samaria and elsewhere in Trans-Euphrates.(AR)
11 (This is a copy of the letter they sent him.)
To King Artaxerxes,
From your servants in Trans-Euphrates:
12 The king should know that the people who came up to us from you have gone to Jerusalem and are rebuilding that rebellious and wicked city. They are restoring the walls and repairing the foundations.(AS)
13 Furthermore, the king should know that if this city is built and its walls are restored, no more taxes, tribute or duty(AT) will be paid, and eventually the royal revenues will suffer.[f] 14 Now since we are under obligation to the palace and it is not proper for us to see the king dishonored, we are sending this message to inform the king, 15 so that a search may be made in the archives(AU) of your predecessors. In these records you will find that this city is a rebellious city, troublesome to kings and provinces, a place with a long history of sedition. That is why this city was destroyed.(AV) 16 We inform the king that if this city is built and its walls are restored, you will be left with nothing in Trans-Euphrates.
17 The king sent this reply:
To Rehum the commanding officer, Shimshai the secretary and the rest of their associates living in Samaria and elsewhere in Trans-Euphrates:(AW)
Greetings.
18 The letter you sent us has been read and translated in my presence. 19 I issued an order and a search was made, and it was found that this city has a long history of revolt(AX) against kings and has been a place of rebellion and sedition. 20 Jerusalem has had powerful kings ruling over the whole of Trans-Euphrates,(AY) and taxes, tribute and duty were paid to them. 21 Now issue an order to these men to stop work, so that this city will not be rebuilt until I so order. 22 Be careful not to neglect this matter. Why let this threat grow, to the detriment of the royal interests?(AZ)
23 As soon as the copy of the letter of King Artaxerxes was read to Rehum and Shimshai the secretary and their associates,(BA) they went immediately to the Jews in Jerusalem and compelled them by force to stop.
24 Thus the work on the house of God in Jerusalem came to a standstill until the second year of the reign of Darius(BB) king of Persia.
Tattenai’s Letter to Darius
5 Now Haggai(BC) the prophet and Zechariah(BD) the prophet, a descendant of Iddo, prophesied(BE) to the Jews in Judah and Jerusalem in the name of the God of Israel, who was over them. 2 Then Zerubbabel(BF) son of Shealtiel and Joshua(BG) son of Jozadak set to work(BH) to rebuild the house of God in Jerusalem. And the prophets of God were with them, supporting them.
3 At that time Tattenai,(BI) governor of Trans-Euphrates, and Shethar-Bozenai(BJ) and their associates went to them and asked, “Who authorized you to rebuild this temple and to finish it?”(BK) 4 They[g] also asked, “What are the names of those who are constructing this building?” 5 But the eye of their God(BL) was watching over the elders of the Jews, and they were not stopped until a report could go to Darius and his written reply be received.
6 This is a copy of the letter that Tattenai, governor of Trans-Euphrates, and Shethar-Bozenai and their associates, the officials of Trans-Euphrates, sent to King Darius. 7 The report they sent him read as follows:
To King Darius:
Cordial greetings.
8 The king should know that we went to the district of Judah, to the temple of the great God. The people are building it with large stones and placing the timbers in the walls. The work(BM) is being carried on with diligence and is making rapid progress under their direction.
9 We questioned the elders and asked them, “Who authorized you to rebuild this temple and to finish it?”(BN) 10 We also asked them their names, so that we could write down the names of their leaders for your information.
11 This is the answer they gave us:
“We are the servants of the God of heaven and earth, and we are rebuilding the temple(BO) that was built many years ago, one that a great king of Israel built and finished. 12 But because our ancestors angered(BP) the God of heaven, he gave them into the hands of Nebuchadnezzar the Chaldean, king of Babylon, who destroyed this temple and deported the people to Babylon.(BQ)
13 “However, in the first year of Cyrus king of Babylon, King Cyrus issued a decree(BR) to rebuild this house of God. 14 He even removed from the temple[h] of Babylon the gold and silver articles of the house of God, which Nebuchadnezzar had taken from the temple in Jerusalem and brought to the temple[i] in Babylon.(BS) Then King Cyrus gave them to a man named Sheshbazzar,(BT) whom he had appointed governor, 15 and he told him, ‘Take these articles and go and deposit them in the temple in Jerusalem. And rebuild the house of God on its site.’
16 “So this Sheshbazzar came and laid the foundations of the house of God(BU) in Jerusalem. From that day to the present it has been under construction but is not yet finished.”
17 Now if it pleases the king, let a search be made in the royal archives(BV) of Babylon to see if King Cyrus did in fact issue a decree to rebuild this house of God in Jerusalem. Then let the king send us his decision in this matter.
The Decree of Darius
6 King Darius then issued an order, and they searched in the archives(BW) stored in the treasury at Babylon. 2 A scroll was found in the citadel of Ecbatana in the province of Media, and this was written on it:
Memorandum:
3 In the first year of King Cyrus, the king issued a decree concerning the temple of God in Jerusalem:
Let the temple be rebuilt as a place to present sacrifices, and let its foundations be laid.(BX) It is to be sixty cubits[j] high and sixty cubits wide, 4 with three courses(BY) of large stones and one of timbers. The costs are to be paid by the royal treasury.(BZ) 5 Also, the gold(CA) and silver articles of the house of God, which Nebuchadnezzar took from the temple in Jerusalem and brought to Babylon, are to be returned to their places in the temple in Jerusalem; they are to be deposited in the house of God.(CB)
6 Now then, Tattenai,(CC) governor of Trans-Euphrates, and Shethar-Bozenai(CD) and you other officials of that province, stay away from there. 7 Do not interfere with the work on this temple of God. Let the governor of the Jews and the Jewish elders rebuild this house of God on its site.
8 Moreover, I hereby decree what you are to do for these elders of the Jews in the construction of this house of God:
Their expenses are to be fully paid out of the royal treasury,(CE) from the revenues(CF) of Trans-Euphrates, so that the work will not stop. 9 Whatever is needed—young bulls, rams, male lambs for burnt offerings(CG) to the God of heaven, and wheat, salt, wine and olive oil, as requested by the priests in Jerusalem—must be given them daily without fail, 10 so that they may offer sacrifices pleasing to the God of heaven and pray for the well-being of the king and his sons.(CH)
11 Furthermore, I decree that if anyone defies this edict, a beam is to be pulled from their house and they are to be impaled(CI) on it. And for this crime their house is to be made a pile of rubble.(CJ) 12 May God, who has caused his Name to dwell there,(CK) overthrow any king or people who lifts a hand to change this decree or to destroy this temple in Jerusalem.
I Darius(CL) have decreed it. Let it be carried out with diligence.
Completion and Dedication of the Temple
13 Then, because of the decree King Darius had sent, Tattenai, governor of Trans-Euphrates, and Shethar-Bozenai and their associates(CM) carried it out with diligence. 14 So the elders of the Jews continued to build and prosper under the preaching(CN) of Haggai the prophet and Zechariah, a descendant of Iddo. They finished building the temple according to the command of the God of Israel and the decrees of Cyrus,(CO) Darius(CP) and Artaxerxes,(CQ) kings of Persia. 15 The temple was completed on the third day of the month Adar, in the sixth year of the reign of King Darius.(CR)
16 Then the people of Israel—the priests, the Levites and the rest of the exiles—celebrated the dedication(CS) of the house of God with joy. 17 For the dedication of this house of God they offered(CT) a hundred bulls, two hundred rams, four hundred male lambs and, as a sin offering[k] for all Israel, twelve male goats, one for each of the tribes of Israel. 18 And they installed the priests in their divisions(CU) and the Levites in their groups(CV) for the service of God at Jerusalem, according to what is written in the Book of Moses.(CW)
The Passover
19 On the fourteenth day of the first month, the exiles celebrated the Passover.(CX) 20 The priests and Levites had purified themselves and were all ceremonially clean. The Levites slaughtered(CY) the Passover lamb for all the exiles, for their relatives the priests and for themselves. 21 So the Israelites who had returned from the exile ate it, together with all who had separated themselves(CZ) from the unclean practices(DA) of their Gentile neighbors in order to seek the Lord,(DB) the God of Israel. 22 For seven days they celebrated with joy the Festival of Unleavened Bread,(DC) because the Lord had filled them with joy by changing the attitude(DD) of the king of Assyria so that he assisted them in the work on the house of God, the God of Israel.
Footnotes
- Ezra 3:9 Hebrew Yehudah, a variant of Hodaviah
- Ezra 4:4 Or and troubled them as they built
- Ezra 4:6 Hebrew Ahasuerus
- Ezra 4:7 Or written in Aramaic and translated
- Ezra 4:7 The text of 4:8–6:18 is in Aramaic.
- Ezra 4:13 The meaning of the Aramaic for this clause is uncertain.
- Ezra 5:4 See Septuagint; Aramaic We.
- Ezra 5:14 Or palace
- Ezra 5:14 Or palace
- Ezra 6:3 That is, about 90 feet or about 27 meters
- Ezra 6:17 Or purification offering
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.