Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na (A)nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa (B)pagaalay sa hapon.

Ang pagtatapat ni Ezra at ang kaniyang panalangin tungkol sa pagaasawa sa mga taga ibang lupa.

At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at (C)iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios;

At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: (D)sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay (E)umabot hanggang sa langit.

Read full chapter