Add parallel Print Page Options

10 Nang(A) ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pari sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, ang mga anak ni Asaf na may mga pompiyang, upang magpuri sa Panginoon, ayon sa mga tagubilin ni David na hari ng Israel.

11 At(B) sila'y nag-awitan sa isa't isa na pinupuri at pinapasalamatan ang Panginoon, “Sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman sa Israel.” Ang buong bayan ay sumigaw nang malakas nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagkat ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na.

12 Ngunit marami sa mga pari at mga Levita, at sa mga puno ng mga sambahayan, na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo, ang umiyak nang malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman marami ang sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan.

Read full chapter