Add parallel Print Page Options

10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na (A)bihis, na may mga (B)pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga (C)simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, (D)ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.

11 (E)At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, (F)na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.

12 Nguni't (G)marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan:

Read full chapter