Ezra 2
Ang Biblia (1978)
Ang mga pangalan noong mga bumalik na mula sa Babilonia.
2 Ang mga (A)ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, (B)na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;
2 Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si (C)Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito:
3 Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.
4 Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.
5 Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu't lima.
6 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing dalawa.
7 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
8 Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu't lima.
9 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.
10 Ang mga anak ni (D)Bani, anim na raan at apat na pu't dalawa.
11 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't tatlo.
12 Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu't dalawa.
13 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim.
14 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu't anim.
15 Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu't apat.
16 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.
17 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo.
18 Ang mga anak ni (E)Jora, isang daan at labing dalawa.
19 Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
20 Ang mga anak ni (F)Gibbar, siyam na pu't lima.
21 Ang mga anak ni Beth-lehem, isang daan at dalawang pu't tatlo.
22 Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim.
23 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.
24 Ang mga anak ni (G)Azmaveth, apat na pu't dalawa.
25 Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.
26 Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa.
27 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.
28 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
29 Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa.
30 Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim.
31 Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
32 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.
33 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima.
34 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.
35 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo't anim na raan at tatlong pu.
36 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.
37 Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu't dalawa.
38 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.
39 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito.
40 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, (H)sa mga anak ni Hodavias, pitong pu't apat.
41 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu't walo.
42 Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu't siyam.
43 (I)Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth.
44 Ang mga anak ni Cheros, ang mga anak ni (J)Siaa, ang mga anak ni Phadon;
45 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Accub;
46 Ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni (K)Samlai, ang mga anak ni Hanan;
47 Ang mga anak ni Gidiel, ang mga anak ni Gaher, ang mga anak ni Reaia;
48 Ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda, ang mga anak ni Gazam;
49 Ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea, ang mga anak ni Besai;
50 Ang mga anak ni Asena, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni (L)Nephusim;
51 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacusa, ang mga anak ni Harhur;
52 Ang mga anak ni (M)Bazluth, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
53 Ang mga anak ni Bercos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
54 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.
55 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni (N)Peruda;
56 Ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;
57 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni (O)Ami.
58 Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa.
59 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, (P)Addan, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila'y taga Israel:
60 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at (Q)limang pu't dalawa.
61 At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni (R)Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
62 Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at (S)nangaalis sa pagkasaserdote.
63 At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila'y (T)huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may (U)Urim at Thummim.
Ang bilang ng mga bumalik.
64 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu,
65 Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng (V)dalawang daan na mangaawit na lalake at babae.
66 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu't lima;
67 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
68 At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:
69 Sila'y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na (W)anim na pu't isang libong (X)darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote.
70 Gayon ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang iba sa bayan, at ang mga mangaawit, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga Nethineo, (Y)nagsitahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.
Ezra 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag(A)
2 Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 2 Ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelaya, Mordecai, Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana.
Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
3-20 Mga angkan nina
Paros | 2,172 |
Shefatia | 372 |
Ara | 775 |
Pahat Moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) | 2,812 |
Elam | 1,254 |
Zatu | 945 |
Zacai | 760 |
Bani | 642 |
Bebai | 623 |
Azgad | 1,222 |
Adonikam | 666 |
Bigvai | 2,056 |
Adin | 454 |
Ater (na tinatawag ding Hezekia)[a] | 98 |
Bezai | 323 |
Jora | 112 |
Hashum | 223 |
Gibar | 95 |
21-35 Ito ang bilang ng mga tao na nakabalik mula sa pagkabihag, na ang mga ninuno ay nakatira sa mga sumusunod na bayan:
Betlehem | 123 |
Netofa | 56 |
Anatot | 128 |
Azmavet | 42 |
Kiriat Jearim, Kefira, at Beerot | 743 |
Rama at Geba | 621 |
Micmash | 122 |
Betel at Ai | 223 |
Nebo | 52 |
Magbis | 156 |
ang isa pang Elam | 1,254 |
Harim | 320 |
Lod, Hadid, at Ono | 725 |
Jerico | 345 |
Senaa | 3,630 |
36-39 Ito ang mga angkan ng mga pari na bumalik mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina
Jedaya (mula sa pamilya ni Jeshua) | 973 |
Imer | 1,052 |
Pashur | 1,247 |
Harim | 1,017 |
40-42 Ito ang mga angkan ng mga Levita na bumalik din mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavia) | 74 |
Mga mang-aawit sa templo na mula sa angkan ni Asaf | 128 |
Mga guwardya ng pintuan ng templo na mula sa angkan nina Shalum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Shobai | 139 |
43-54 Ito naman ang mga angkan ng mga utusan sa templo na bumalik din mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Siaha, Padon, Lebana, Hagaba, Akub, Hagab, Shalmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Asna, Meunim, Nefusim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsha, Barkos, Sisera, Tema, Nezia, at Hatifa.
55-57 Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
Ang mga angkan nina Sotai, Hasoferet, Peruda, Jaala, Darkon, Gidel, Shefatia, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Ami.
58 Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
59-60 May 652 din na bumalik sa Juda mula sa mga bayan ng Tel Mela, Tel Harsha, Kerub, Adon, at Imer. Sila ang mga angkan nina Delaya, Tobia, at Nekoda, pero hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita.
61 Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobaya, Hakoz at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 62 Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap na mga pari. 63 Pinagbawalan sila ng gobernador ng Juda na kumain ng mga pagkaing inihandog sa Dios habang walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa pagkapari nila sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.[b]
64-67 Ang kabuuang bilang ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay 42,360, maliban sa 7,337 na mga alipin nila, at 200 lalaki at babaeng mang-aawit. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola,[c] 435 kamelyo, at 6,720 asno. 68 Pagdating nila sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng templo sa dati nitong pinagtayuan. 69 Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga 500 kilong ginto, mga 3,000 kilong pilak, at 100 pirasong kasuotan para sa mga pari. 70 Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang mga utusan sa templo.
Ezra 2
World English Bible
2 Now these are the children of the province who went up out of the captivity of those who had been carried away, whom Nebuchadnezzar the king of Babylon had carried away to Babylon, and who returned to Jerusalem and Judah, everyone to his city; 2 who came with Zerubbabel, Jeshua, Nehemiah, Seraiah, Reelaiah, Mordecai, Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, and Baanah.
The number of the men of the people of Israel: 3 The children of Parosh, two thousand one hundred seventy-two. 4 The children of Shephatiah, three hundred seventy-two. 5 The children of Arah, seven hundred seventy-five. 6 The children of Pahathmoab, of the children of Jeshua and Joab, two thousand eight hundred twelve. 7 The children of Elam, one thousand two hundred fifty-four. 8 The children of Zattu, nine hundred forty-five. 9 The children of Zaccai, seven hundred sixty. 10 The children of Bani, six hundred forty-two. 11 The children of Bebai, six hundred twenty-three. 12 The children of Azgad, one thousand two hundred twenty-two. 13 The children of Adonikam, six hundred sixty-six. 14 The children of Bigvai, two thousand fifty-six. 15 The children of Adin, four hundred fifty-four. 16 The children of Ater, of Hezekiah, ninety-eight. 17 The children of Bezai, three hundred twenty-three. 18 The children of Jorah, one hundred twelve. 19 The children of Hashum, two hundred twenty-three. 20 The children of Gibbar, ninety-five. 21 The children of Bethlehem, one hundred twenty-three. 22 The men of Netophah, fifty-six. 23 The men of Anathoth, one hundred twenty-eight. 24 The children of Azmaveth, forty-two. 25 The children of Kiriath Arim, Chephirah, and Beeroth, seven hundred forty-three. 26 The children of Ramah and Geba, six hundred twenty-one. 27 The men of Michmas, one hundred twenty-two. 28 The men of Bethel and Ai, two hundred twenty-three. 29 The children of Nebo, fifty-two. 30 The children of Magbish, one hundred fifty-six. 31 The children of the other Elam, one thousand two hundred fifty-four. 32 The children of Harim, three hundred twenty. 33 The children of Lod, Hadid, and Ono, seven hundred twenty-five. 34 The children of Jericho, three hundred forty-five. 35 The children of Senaah, three thousand six hundred thirty.
36 The priests: the children of Jedaiah, of the house of Jeshua, nine hundred seventy-three. 37 The children of Immer, one thousand fifty-two. 38 The children of Pashhur, one thousand two hundred forty-seven. 39 The children of Harim, one thousand seventeen.
40 The Levites: the children of Jeshua and Kadmiel, of the children of Hodaviah, seventy-four. 41 The singers: the children of Asaph, one hundred twenty-eight. 42 The children of the gatekeepers: the children of Shallum, the children of Ater, the children of Talmon, the children of Akkub, the children of Hatita, the children of Shobai, in all one hundred thirty-nine.
43 The temple servants: the children of Ziha, the children of Hasupha, the children of Tabbaoth, 44 the children of Keros, the children of Siaha, the children of Padon, 45 the children of Lebanah, the children of Hagabah, the children of Akkub, 46 the children of Hagab, the children of Shamlai, the children of Hanan, 47 the children of Giddel, the children of Gahar, the children of Reaiah, 48 the children of Rezin, the children of Nekoda, the children of Gazzam, 49 the children of Uzza, the children of Paseah, the children of Besai, 50 the children of Asnah, the children of Meunim, the children of Nephisim, 51 the children of Bakbuk, the children of Hakupha, the children of Harhur, 52 the children of Bazluth, the children of Mehida, the children of Harsha, 53 the children of Barkos, the children of Sisera, the children of Temah, 54 the children of Neziah, the children of Hatipha.
55 The children of Solomon’s servants: the children of Sotai, the children of Hassophereth, the children of Peruda, 56 the children of Jaalah, the children of Darkon, the children of Giddel, 57 the children of Shephatiah, the children of Hattil, the children of Pochereth Hazzebaim, the children of Ami. 58 All the temple servants, and the children of Solomon’s servants, were three hundred ninety-two.
59 These were those who went up from Tel Melah, Tel Harsha, Cherub, Addan, and Immer; but they could not show their fathers’ houses and their offspring,[a] whether they were of Israel: 60 the children of Delaiah, the children of Tobiah, the children of Nekoda, six hundred fifty-two. 61 Of the children of the priests: the children of Habaiah, the children of Hakkoz, and the children of Barzillai, who took a wife of the daughters of Barzillai the Gileadite, and was called after their name. 62 These sought their place among those who were registered by genealogy, but they were not found; therefore they were deemed disqualified and removed from the priesthood. 63 The governor told them that they should not eat of the most holy things until a priest stood up to serve with Urim and with Thummim.
64 The whole assembly together was forty-two thousand three hundred sixty, 65 in addition to their male servants and their female servants, of whom there were seven thousand three hundred thirty-seven; and they had two hundred singing men and singing women. 66 Their horses were seven hundred thirty-six; their mules, two hundred forty-five; 67 their camels, four hundred thirty-five; their donkeys, six thousand seven hundred twenty.
68 Some of the heads of fathers’ households, when they came to Yahweh’s house which is in Jerusalem, offered willingly for God’s house to set it up in its place. 69 They gave according to their ability into the treasury of the work sixty-one thousand darics of gold,[b] five thousand minas[c] of silver, and one hundred priests’ garments.
70 So the priests and the Levites, with some of the people, the singers, the gatekeepers, and the temple servants, lived in their cities, and all Israel in their cities.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
by Public Domain. The name "World English Bible" is trademarked.