Ezra 1
Ang Biblia (1978)
Ang pahayag ni Ciro tungkol sa templo.
1 Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa (A)pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
2 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; (B)at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.
3 Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (C)(siya'y Dios,) na nasa Jerusalem.
4 At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pagaari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem.
Ang mga kayamanan ng templo ay isinauli.
5 Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
6 At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pagaari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog.
7 (D)Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na (E)inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios;
8 Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na (F)tagaingat-yaman, at mga (G)binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda.
9 At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang;
10 Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo.
11 Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.
Ezra 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinabalik ni Haring Cyrus ang mga Judio sa Kanilang Lupain(A)
1 Noong unang taon ng paghahari ni Cyrus sa Persia, tinupad ng Panginoon ang kanyang sinabi sa pamamagitan ni Jeremias.[a] Hinipo niya ang puso ni Cyrus para gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa buo niyang kaharian.
2 “Ito ang mensahe ni Haring Cyrus ng Persia:
“Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Dios ng kalangitan, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. 3 Kayong lahat na mamamayan ng Dios, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang templo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo. 4 Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa templo ng Dios sa Jerusalem.”
5 May mga Israelitang hinipo ng Panginoon para bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon para ipatayo ang templo ng Panginoon. Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita. 6 Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na gawa sa pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, iba pang mga mamahaling bagay, at pagtulong na kusang-loob para sa templo.
7 Ibinalik din sa kanila ni Haring Cyrus ang mga gamit sa templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar sa Jerusalem at dinala sa templo ng mga dios-diosan niya. 8 Ipinagkatiwala ito ni Haring Cyrus kay Mitredat na ingat-yaman ng kaharian niya. Binilang ito ni Mitredat at ibinigay ang listahan kay Sheshbazar, ang gobernador ng Juda. 9-10 Ito ang bilang ng mga gamit:
mga gintong bandehado | 30 |
mga pilak na bandehado | 1,000 |
mga kutsilyo | 29 |
mga gintong mangkok | 30 |
mga pilak na mangkok | 410 |
iba pang mga gamit | 1,000 |
11 Sa kabuuan, may mga 5,400 gamit na ginto at pilak. Dinala lahat ito ni Sheshbazar nang bumalik siya sa Jerusalem mula sa Babilonia kasama ng ibang mga bihag.
Footnotes
- 1:1 tinupad … Jeremias: para mangyari na mapalaya ang mga Israelita sa pagkabihag sa Babilonia paglipas ng 70 taon (Tingnan sa Jer. 25:11 at 29:10).
Ezra 1
World English Bible
1 Now in the first year of Cyrus king of Persia, that Yahweh’s[a] word by Jeremiah’s mouth might be accomplished, Yahweh stirred up the spirit of Cyrus king of Persia, so that he made a proclamation throughout all his kingdom, and put it also in writing, saying,
2 “Cyrus king of Persia says, ‘Yahweh, the God[b] of heaven, has given me all the kingdoms of the earth; and he has commanded me to build him a house in Jerusalem, which is in Judah. 3 Whoever there is among you of all his people, may his God be with him, and let him go up to Jerusalem, which is in Judah, and build the house of Yahweh, the God of Israel (he is God), which is in Jerusalem. 4 Whoever is left, in any place where he lives, let the men of his place help him with silver, with gold, with goods, and with animals, in addition to the free will offering for God’s house which is in Jerusalem.’”
5 Then the heads of fathers’ households of Judah and Benjamin, the priests and the Levites, all whose spirit God had stirred to go up, rose up to build Yahweh’s house which is in Jerusalem. 6 All those who were around them strengthened their hands with vessels of silver, with gold, with goods, with animals, and with precious things, in addition to all that was willingly offered. 7 Also Cyrus the king brought out the vessels of Yahweh’s house, which Nebuchadnezzar had brought out of Jerusalem, and had put in the house of his gods; 8 even those, Cyrus king of Persia brought out by the hand of Mithredath the treasurer, and counted them out to Sheshbazzar the prince of Judah. 9 This is the number of them: thirty platters of gold, one thousand platters of silver, twenty-nine knives, 10 thirty bowls of gold, four hundred ten silver bowls of a second kind, and one thousand other vessels. 11 All the vessels of gold and of silver were five thousand four hundred. Sheshbazzar brought all these up when the captives were brought up from Babylon to Jerusalem.
Ezra 1
New International Version
Cyrus Helps the Exiles to Return(A)
1 In the first year of Cyrus king of Persia, in order to fulfill the word of the Lord spoken by Jeremiah,(B) the Lord moved the heart(C) of Cyrus king of Persia to make a proclamation throughout his realm and also to put it in writing:
2 “This is what Cyrus king of Persia says:
“‘The Lord, the God of heaven, has given me all the kingdoms of the earth and he has appointed(D) me to build(E) a temple for him at Jerusalem in Judah. 3 Any of his people among you may go up to Jerusalem in Judah and build the temple of the Lord, the God of Israel, the God who is in Jerusalem, and may their God be with them. 4 And in any locality where survivors(F) may now be living, the people are to provide them with silver and gold,(G) with goods and livestock, and with freewill offerings(H) for the temple of God(I) in Jerusalem.’”(J)
5 Then the family heads of Judah and Benjamin,(K) and the priests and Levites—everyone whose heart God had moved(L)—prepared to go up and build the house(M) of the Lord in Jerusalem. 6 All their neighbors assisted them with articles of silver and gold,(N) with goods and livestock, and with valuable gifts, in addition to all the freewill offerings.
7 Moreover, King Cyrus brought out the articles belonging to the temple of the Lord, which Nebuchadnezzar had carried away from Jerusalem and had placed in the temple of his god.[a](O) 8 Cyrus king of Persia had them brought by Mithredath the treasurer, who counted them out to Sheshbazzar(P) the prince of Judah.
9 This was the inventory:
gold dishes | 30 |
silver dishes | 1,000 |
silver pans[b] | 29 |
10 gold bowls | 30 |
matching silver bowls | 410 |
other articles | 1,000 |
11 In all, there were 5,400 articles of gold and of silver. Sheshbazzar brought all these along with the exiles when they came up from Babylon to Jerusalem.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
by Public Domain. The name "World English Bible" is trademarked.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.