Add parallel Print Page Options

kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ako, ako mismo, ay darating laban sa iyo. Ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa.

At dahil sa lahat ninyong kasuklamsuklam, ay aking gagawin sa iyo ang hindi ko pa ginawa, at ang katulad nito ay di ko na muling gagawin.

10 Kaya't(A) kakainin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakainin ng mga anak ang kanilang mga magulang. Ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at ang lahat ng nalabi sa iyo ay aking ikakalat sa lahat ng hangin.

Read full chapter