Add parallel Print Page Options

10 Kaya't(A) kakainin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakainin ng mga anak ang kanilang mga magulang. Ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at ang lahat ng nalabi sa iyo ay aking ikakalat sa lahat ng hangin.

11 Kaya't habang ako'y nabubuhay, sabi ng Panginoong Diyos, ito'y tiyak, sapagkat iyong nilapastangan ang aking santuwaryo sa pamamagitan ng lahat mong kasuklamsuklam at mga karumaldumal na bagay. Kaya't ako'y lalayo sa iyo, hindi ka patatawarin ng aking paningin, at ako'y hindi mahahabag.

12 Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng taggutom ay mauubos sila sa gitna mo. Ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo, at ang ikatlong bahagi ay aking ikakalat sa lahat ng hangin, at magbubunot ako ng tabak sa likuran nila.

Read full chapter