Add parallel Print Page Options

10 Kaya't (A)kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at[a] ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako.

11 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na (B)sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag.

12 (C)Ang ikatlong bahagi mo ay (D)mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; (E)at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 5:10 tal 2, 12.