Add parallel Print Page Options

Inahit ni Ezekiel ang Kanyang Buhok at Balbas

“At ikaw, O anak ng tao, kumuha ka ng matalas na tabak; gamitin mo ito bilang pang-ahit ng manggugupit at iyong paraanin sa iyong ulo at sa iyong balbas. Pagkatapos, kumuha ka ng timbangang panimbang, at hatiin mo ang buhok.

Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng lunsod, kapag ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at hahampasin mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong ikakalat sa hangin, at aking bubunutin ang tabak sa likuran nila.

Read full chapter