Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan (A)ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan (B)sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan.

Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may (C)pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong.

Muling sumukat siya ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang mga tuhod. Muli siyang sumukat ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang sa mga balakang.

Read full chapter