Add parallel Print Page Options

Ang mga dako na pagpapakuluan ng mga saserdote.

19 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob (A)ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran.

20 At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote (B)ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, (C)na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, (D)upang banalin ang bayan.

21 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban.

Read full chapter