Add parallel Print Page Options

Mga handog sa araw ng sabbath at sa bagong buwan.

46 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (A)Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at (B)sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan.

At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa (C)tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda (D)ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.

Read full chapter