Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng (A)pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, (B)narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: (C)at nasubasob ako.

At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa (D)lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.

At iyong sasabihin sa (E)mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,

Read full chapter