Add parallel Print Page Options

At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, (A)sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.

Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang (B)kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng (C)pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, (D)narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: (E)at nasubasob ako.

Read full chapter