Add parallel Print Page Options

Ang Pagtatalaga sa Dambana

18 (A) Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ito ang mga tuntunin para sa dambana: Sa araw na ito'y kanilang itayo, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na sinusunog, at upang pagwisikan ng dugo,

19 iyong ibibigay sa mga paring Levita mula sa angkan ni Zadok na lumalapit sa akin upang maglingkod, ang isang guyang baka bilang handog pangkasalanan, sabi ng Panginoong Diyos.

20 At kukuha ka ng dugo niyon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin iyon at tutubusin ito.

Read full chapter