Add parallel Print Page Options

17 At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan.

Ang pagpapasakdal sa dambana.

18 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang (A)pagwisikan ng dugo.

19 Iyong ibibigay sa (B)mga saserdote na mga Levita (C)na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, (D)upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na (E)pinakahandog dahil sa kasalanan.

Read full chapter