Font Size
Ezekiel 43:15-17
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 43:15-17
Ang Biblia, 2001
15 Ang apuyan ng dambana ay apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay may apat na sungay.
16 At ang apuyan ng dambana ay magiging parisukat, labindalawang siko ang haba at labindalawang siko ang luwang.
17 Ang patungan niyon ay parisukat din, labing-apat na siko ang haba at labing-apat na siko ang luwang. Ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko, at ang patungan niyon ay magiging isang siko sa palibot. Ang mga baytang niyon ay paharap sa silangan.”
Read full chapter