Add parallel Print Page Options

Ang Templo'y Muling Napuno ng Kaluwalhatian ni Yahweh

43 Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan. Doon,(A) nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, parang dagundong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaluwalhatiang yaon. Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. At ako'y dumapa sa lupa.

Read full chapter