Add parallel Print Page Options

16 Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat (A)na tambo, na limang daang tambo, ng panukat na tambo sa palibot.

17 Sinukat niya sa dakong hilagaan, na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot.

18 Sinukat niya sa dakong timugan, na limang daang tambo ng panukat na tambo.

19 Siya'y pumihit sa dakong kalunuran, at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo.

20 Sinukat niya sa apat na sulok: may pader sa palibot, ang haba'y limang daan, at ang luwang ay limang daan, upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan.

Read full chapter