Add parallel Print Page Options

19 At sa tindi ng galit ko, isinusumpa kong yayanigin ko nang malakas na lindol ang lupain ng Israel. 20 Ang lahat ng tao at lahat ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang at nasa tubig ay manginginig sa takot sa akin. Guguho ang mga bundok at burol, at mawawasak ang mga pader. 21 At ikaw, Gog ay ipapapatay ko roon sa aking mga bundok, at ang mga sundalo mo ay magpapatayan. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.

Read full chapter