Add parallel Print Page Options

Ang galit ng Panginoon laban sa Gog.

17 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?

18 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay (A)sasampa sa aking mga butas ng ilong.

19 Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, (B)Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel;

Read full chapter