Add parallel Print Page Options

Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't (A)inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, (B)na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.

Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga (C)sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y (D)malapit nang dumating.

Read full chapter