Font Size
Ezekiel 30:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 30:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 “Ezekiel, anak ng tao, magpahayag ka. Sabihin mo sa kanilang ito ang ipinapasabi ko:
Matinding kapighatian sa araw na iyon ang darating,
3 sapagkat malapit na ang araw, ang araw ni Yahweh.
Magdidilim ang ulap sa araw na iyon, araw ng paghuhukom sa lahat ng bansa.
4 Sisiklab ang digmaan sa Egipto.
Maghahari sa Etiopia[a] ang matinding dalamhati
kapag namatay na sa Egipto ang maraming tao,
sasamsamin ang kayamanan ng buong bansa
at iiwanan itong wasak.
Footnotes
- 4 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.