Ezekiel 3:26-27
Ang Biblia (1978)
26 At (A)aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
27 Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Read full chapter
Ezekiel 29:21
Ang Biblia (1978)
21 Sa araw na yao'y (A)aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang (B)iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Read full chapter
Ezekiel 33:22
Ang Biblia (1978)
22 (A)Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at (B)hindi na ako pipi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978