Ezekiel 28
Ang Biblia, 2001
Ang Pahayag Laban sa Hari ng Tiro
28 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na sinasabi,
2 “Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Sapagkat ang iyong puso ay nagmamataas,
at iyong sinabi, ‘Ako'y diyos,
ako'y nakaupo sa upuan ng mga diyos, sa pusod ng mga dagat,’
gayunman ikaw ay tao lamang, at hindi Diyos,
bagaman ginawa mo ang iyong puso
na parang puso ng Diyos.
3 Narito, ikaw ay higit na marunong kaysa kay Daniel;
walang lihim ang malilihim sa iyo;
4 sa pamamagitan ng iyong karunungan at pagkaunawa
nagkaroon ka ng mga kayamanan para sa iyong sarili,
at nakapagtipon ka ng ginto at pilak
sa iyong mga kabang-yaman;
5 sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan sa pangangalakal
napalago mo ang iyong kayamanan,
at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan—
6 kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Sapagkat ginawa mo ang iyong puso
na parang puso ng Diyos,
7 kaya't ako'y magdadala ng mga dayuhan sa iyo,
ang kakilakilabot sa mga bansa;
at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan,
at kanilang durungisan ang iyong kaningningan.
8 Kanilang ibababa ka sa hukay;
at ikaw ay mamamatay ng kamatayan ng pinaslang
sa pusod ng mga dagat.
9 Sabihin mo pa kaya sa harapan nila na pumapatay sa iyo, ‘Ako'y Diyos!’
bagaman ikaw ay tao lamang at hindi Diyos,
sa kamay nila na sumusugat sa iyo?
10 Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli
sa pamamagitan ng kamay ng mga dayuhan;
sapagkat ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Diyos.”
Ang Panaghoy sa Hari ng Tiro
11 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na sinasabi,
12 “Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tiro, at sabihin mo sa kanya, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Ikaw ang tatak ng kasakdalan,
punô ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.
13 Ikaw ay nasa Eden na halamanan ng Diyos;
bawat mahahalagang bato ay iyong kasuotan,
ang sardio, topacio, diamante,
berilo, onix, jaspe,
zafiro, karbungko, at esmeralda;
at ang ginto at ang pagkayari ng iyong pandereta
at ng iyong mga plauta ay nasa iyo;
sa araw na ikaw ay lalangin
inihanda ang mga ito.
14 Inilagay kita na may pinahirang kerubin na nagbabantay;
ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Diyos;
ikaw ay naglalakad sa gitna ng mga batong apoy.
15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga landas
mula sa araw na ikaw ay lalangin,
hanggang sa ang kasamaan ay matagpuan sa iyo.
16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal
ay napuno ka ng karahasan, at ikaw ay nagkasala;
kaya't inihagis kita bilang maruming bagay mula sa bundok ng Diyos,
at winasak kita, O tumatakip na kerubin
mula sa gitna ng mga batong apoy.
17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan;
iyong pinasama ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan.
Inihagis kita sa lupa;
aking inilantad ka sa harapan ng mga hari,
upang pagsawaan ka ng kanilang mga mata.
18 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan,
sa kalikuan ng iyong pangangalakal,
iyong nilapastangan ang iyong mga santuwaryo;
kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo;
tinupok ka niyon,
at ginawa kitang abo sa ibabaw ng lupa
sa paningin ng lahat ng nakakita sa iyo.
19 Silang lahat na nakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan,
ay natigilan dahil sa iyo;
ikaw ay dumating sa isang kakilakilabot na wakas,
at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.”
Ang Pahayag Laban sa Sidon
20 At(A) ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
21 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Sidon, at magsalita ka ng propesiya laban sa kanya,
22 at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
‘Narito, ako'y laban sa iyo, O Sidon,
at aking ipahahayag ang aking kaluwalhatian sa gitna mo.
At kanilang malalaman na ako ang Panginoon,
kapag ako'y naglapat ng hatol sa kanya,
at aking ipahayag ang aking kabanalan sa kanya.
23 Sapagkat ako'y magpapadala sa kanya ng salot
at dugo sa kanyang mga lansangan;
at ang mga pinatay ay mabubuwal sa gitna niya,
sa pamamagitan ng tabak na nakaumang sa kanya sa lahat ng panig,
at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
24 “At tungkol sa sambahayan ni Israel, hindi na magkakaroon pa ng tinik o dawag na mananakit sa kanila sa alinman sa nasa palibot nila na nakitungo sa kanila na may paglait. At kanilang malalaman na ako ang Panginoong Diyos.
Pagpapalain ang Israel
25 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kapag aking tinipon ang sambahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at aking ipahayag ang aking kabanalan sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na si Jacob.
26 At sila'y maninirahang tiwasay doon, at sila'y magtatayo ng mga bahay, at magtatanim ng ubasan. Sila'y maninirahang tiwasay, kapag ako'y naglapat ng mga hatol sa lahat nilang kalapit-bayan na nakitungo sa kanila na may paglait. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Diyos.”
Ezekiel 28
King James Version
28 The word of the Lord came again unto me, saying,
2 Son of man, say unto the prince of Tyrus, Thus saith the Lord God; Because thine heart is lifted up, and thou hast said, I am a God, I sit in the seat of God, in the midst of the seas; yet thou art a man, and not God, though thou set thine heart as the heart of God:
3 Behold, thou art wiser than Daniel; there is no secret that they can hide from thee:
4 With thy wisdom and with thine understanding thou hast gotten thee riches, and hast gotten gold and silver into thy treasures:
5 By thy great wisdom and by thy traffick hast thou increased thy riches, and thine heart is lifted up because of thy riches:
6 Therefore thus saith the Lord God; Because thou hast set thine heart as the heart of God;
7 Behold, therefore I will bring strangers upon thee, the terrible of the nations: and they shall draw their swords against the beauty of thy wisdom, and they shall defile thy brightness.
8 They shall bring thee down to the pit, and thou shalt die the deaths of them that are slain in the midst of the seas.
9 Wilt thou yet say before him that slayeth thee, I am God? but thou shalt be a man, and no God, in the hand of him that slayeth thee.
10 Thou shalt die the deaths of the uncircumcised by the hand of strangers: for I have spoken it, saith the Lord God.
11 Moreover the word of the Lord came unto me, saying,
12 Son of man, take up a lamentation upon the king of Tyrus, and say unto him, Thus saith the Lord God; Thou sealest up the sum, full of wisdom, and perfect in beauty.
13 Thou hast been in Eden the garden of God; every precious stone was thy covering, the sardius, topaz, and the diamond, the beryl, the onyx, and the jasper, the sapphire, the emerald, and the carbuncle, and gold: the workmanship of thy tabrets and of thy pipes was prepared in thee in the day that thou wast created.
14 Thou art the anointed cherub that covereth; and I have set thee so: thou wast upon the holy mountain of God; thou hast walked up and down in the midst of the stones of fire.
15 Thou wast perfect in thy ways from the day that thou wast created, till iniquity was found in thee.
16 By the multitude of thy merchandise they have filled the midst of thee with violence, and thou hast sinned: therefore I will cast thee as profane out of the mountain of God: and I will destroy thee, O covering cherub, from the midst of the stones of fire.
17 Thine heart was lifted up because of thy beauty, thou hast corrupted thy wisdom by reason of thy brightness: I will cast thee to the ground, I will lay thee before kings, that they may behold thee.
18 Thou hast defiled thy sanctuaries by the multitude of thine iniquities, by the iniquity of thy traffick; therefore will I bring forth a fire from the midst of thee, it shall devour thee, and I will bring thee to ashes upon the earth in the sight of all them that behold thee.
19 All they that know thee among the people shall be astonished at thee: thou shalt be a terror, and never shalt thou be any more.
20 Again the word of the Lord came unto me, saying,
21 Son of man, set thy face against Zidon, and prophesy against it,
22 And say, Thus saith the Lord God; Behold, I am against thee, O Zidon; and I will be glorified in the midst of thee: and they shall know that I am the Lord, when I shall have executed judgments in her, and shall be sanctified in her.
23 For I will send into her pestilence, and blood into her streets; and the wounded shall be judged in the midst of her by the sword upon her on every side; and they shall know that I am the Lord.
24 And there shall be no more a pricking brier unto the house of Israel, nor any grieving thorn of all that are round about them, that despised them; and they shall know that I am the Lord God.
25 Thus saith the Lord God; When I shall have gathered the house of Israel from the people among whom they are scattered, and shall be sanctified in them in the sight of the heathen, then shall they dwell in their land that I have given to my servant Jacob.
26 And they shall dwell safely therein, and shall build houses, and plant vineyards; yea, they shall dwell with confidence, when I have executed judgments upon all those that despise them round about them; and they shall know that I am the Lord their God.
