Font Size
Ezekiel 24:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 24:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Kunin ang karneng ito sa piling tupa;
isalang at gatungan.
Pakuluan nang pakuluan ang mga laman at butong ito.”
6 Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: “Kawawa ka, lunsod na mamamatay-tao, kalderong puno ng kalawang na hindi na matatanggal. Pira-piraso mo itong hanguing lahat. 7 Sariwa pa ang dugong kanyang pinadanak sa lunsod. Ito'y sa bato pinatulo at di sa tuyong lupa upang matabunan sana ng alikabok.
Read full chapter