Add parallel Print Page Options

43 Doo'y maaalala ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong mga gawa na idinungis ninyo sa inyong sarili. At inyong kamumuhian ang inyong sarili nang dahil sa lahat ng kasamaang inyong ginawa.

44 Inyong malalaman na ako ang Panginoon, kapag ako'y nakitungo sa inyo alang-alang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong masasamang lakad, o ayon sa inyong masasamang gawa man, O sambahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Diyos.”

Ang Pahayag Laban sa Timog

45 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

Read full chapter