Ezekiel 18
Ang Biblia (1978)
Ang kaluluwa ng nagkasala ay mamamatay.
18 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anong ibig ninyong sabihin na (A)inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain (B)ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?
3 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel.
4 Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: (C)ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.
5 Nguni't kung ang isang tao ay maging ganap, at gumawa ng tapat at matuwid,
6 At hindi kumain (D)sa mga bundok, (E)o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, o (F)nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa, o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan:
7 At hindi pumighati sa kanino man, kundi nagsauli ng sangla (G)sa (H)mangungutang sa kaniya, hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;
8 Siya na (I)hindi nagbigay na (J)may patubo, o kumuha man ng anomang (K)pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, (L)gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao,
9 Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan; siya'y ganap, siya'y walang pagsalang mabubuhay, (M)sabi ng Panginoong Dios.
10 Kung siya'y magkaanak ng isang lalake na tulisan, mangbububo ng dugo, at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay,
11 At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon, kundi kumain nga sa mga bundok, at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,
12 Pumighati (N)ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, (O)gumawa ng kasuklamsuklam.
13 Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; (P)ang kaniyang dugo ay sasa kaniya.
14 Ngayon, narito, kung siya'y magkaanak ng isang lalake, na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa, at natatakot, at hindi gumagawa ng gayon;
15 Na hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,
16 O pumighati man sa kanino man, hindi tumanggap ng anomang sangla, o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas, kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;
17 (Q)Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha, na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man, ginawa ang aking mga kahatulan, lumakad sa aking mga palatuntunan, hindi siya mamamatay, ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama, siya'y walang pagsalang mabubuhay.
18 Tungkol sa kaniyang ama, sapagka't siya'y pumighating may kabagsikan, sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas, at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan, narito siya'y (R)mamamatay sa kaniyang kasamaan.
19 Gayon ma'y sinasabi ninyo, (S)Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay.
20 (T)Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: (U)ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; (V)ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
21 Nguni't kung ang masama (W)ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang (X)na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
23 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan (Y)ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?
24 Nguni't (Z)pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa (AA)kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.
25 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay (AB)hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid?
26 Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.
27 Muli, pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ililigtas na buháy ang kaniyang kaluluwa.
28 Sapagka't siya'y nagmunimuni, at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
29 Gayon ma'y sabi ng sangbahayan ni Israel, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ang aking mga daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid?
30 Kaya't hahatulan (AC)ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. (AD)Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.
31 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y (AE)magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel?
32 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't (AF)magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.
Ezekiel 18
Ang Dating Biblia (1905)
18 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?
3 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel.
4 Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.
5 Nguni't kung ang isang tao ay maging ganap, at gumawa ng tapat at matuwid,
6 At hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, o nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa, o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan:
7 At hindi pumighati sa kanino man, kundi nagsauli ng sangla sa mangungutang sa kaniya, hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;
8 Siya na hindi nagbigay na may patubo, o kumuha man ng anomang pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao,
9 Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan; siya'y ganap, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sabi ng Panginoong Dios.
10 Kung siya'y magkaanak ng isang lalake na tulisan, mangbububo ng dugo, at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay,
11 At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon, kundi kumain nga sa mga bundok, at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,
12 Pumighati ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, gumawa ng kasuklamsuklam.
13 Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya.
14 Ngayon, narito, kung siya'y magkaanak ng isang lalake, na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa, at natatakot, at hindi gumagawa ng gayon;
15 Na hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,
16 O pumighati man sa kanino man, hindi tumanggap ng anomang sangla, o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas, kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;
17 Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha, na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man, ginawa ang aking mga kahatulan, lumakad sa aking mga palatuntunan, hindi siya mamamatay, ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama, siya'y walang pagsalang mabubuhay.
18 Tungkol sa kaniyang ama, sapagka't siya'y pumighating may kabagsikan, sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas, at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan, narito siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan.
19 Gayon ma'y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay.
20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
21 Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
23 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?
24 Nguni't pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.
25 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid?
26 Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.
27 Muli, pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ililigtas na buhay ang kaniyang kaluluwa.
28 Sapagka't siya'y nagmunimuni, at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
29 Gayon ma'y sabi ng sangbahayan ni Israel, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ang aking mga daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid?
30 Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.
31 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel?
32 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.
Ezekiel 18
New International Version
The One Who Sins Will Die
18 The word of the Lord came to me: 2 “What do you people mean by quoting this proverb about the land of Israel:
“‘The parents eat sour grapes,
and the children’s teeth are set on edge’?(A)
3 “As surely as I live, declares the Sovereign Lord, you will no longer quote this proverb(B) in Israel. 4 For everyone belongs to me, the parent as well as the child—both alike belong to me. The one who sins(C) is the one who will die.(D)
5 “Suppose there is a righteous man
who does what is just and right.
6 He does not eat at the mountain(E) shrines
or look to the idols(F) of Israel.
He does not defile his neighbor’s wife
or have sexual relations with a woman during her period.(G)
7 He does not oppress(H) anyone,
but returns what he took in pledge(I) for a loan.
He does not commit robbery(J)
but gives his food to the hungry(K)
and provides clothing for the naked.(L)
8 He does not lend to them at interest
or take a profit from them.(M)
He withholds his hand from doing wrong
and judges fairly(N) between two parties.
9 He follows my decrees(O)
and faithfully keeps my laws.
That man is righteous;(P)
he will surely live,(Q)
declares the Sovereign Lord.
10 “Suppose he has a violent son, who sheds blood(R) or does any of these other things[a] 11 (though the father has done none of them):
“He eats at the mountain shrines.(S)
He defiles his neighbor’s wife.
12 He oppresses the poor(T) and needy.
He commits robbery.
He does not return what he took in pledge.(U)
He looks to the idols.
He does detestable things.(V)
13 He lends at interest and takes a profit.(W)
Will such a man live? He will not! Because he has done all these detestable things, he is to be put to death; his blood will be on his own head.(X)
14 “But suppose this son has a son who sees all the sins his father commits, and though he sees them, he does not do such things:(Y)
15 “He does not eat at the mountain shrines(Z)
or look to the idols(AA) of Israel.
He does not defile his neighbor’s wife.
16 He does not oppress anyone
or require a pledge for a loan.
He does not commit robbery
but gives his food to the hungry(AB)
and provides clothing for the naked.(AC)
17 He withholds his hand from mistreating the poor
and takes no interest or profit from them.
He keeps my laws(AD) and follows my decrees.
He will not die for his father’s sin; he will surely live. 18 But his father will die for his own sin, because he practiced extortion, robbed his brother and did what was wrong among his people.
19 “Yet you ask, ‘Why does the son not share the guilt of his father?’ Since the son has done what is just and right and has been careful to keep all my decrees, he will surely live.(AE) 20 The one who sins is the one who will die.(AF) The child will not share the guilt of the parent, nor will the parent share the guilt of the child. The righteousness of the righteous will be credited to them, and the wickedness of the wicked will be charged against them.(AG)
21 “But if(AH) a wicked person turns away from all the sins they have committed and keeps all my decrees(AI) and does what is just and right, that person will surely live; they will not die.(AJ) 22 None of the offenses they have committed will be remembered against them. Because of the righteous things they have done, they will live.(AK) 23 Do I take any pleasure in the death of the wicked? declares the Sovereign Lord. Rather, am I not pleased(AL) when they turn from their ways and live?(AM)
24 “But if a righteous person turns(AN) from their righteousness and commits sin and does the same detestable things the wicked person does, will they live? None of the righteous things that person has done will be remembered. Because of the unfaithfulness(AO) they are guilty of and because of the sins they have committed, they will die.(AP)
25 “Yet you say, ‘The way of the Lord is not just.’(AQ) Hear, you Israelites: Is my way unjust?(AR) Is it not your ways that are unjust? 26 If a righteous person turns from their righteousness and commits sin, they will die for it; because of the sin they have committed they will die. 27 But if a wicked person turns away from the wickedness they have committed and does what is just and right, they will save their life.(AS) 28 Because they consider all the offenses they have committed and turn away from them, that person will surely live; they will not die.(AT) 29 Yet the Israelites say, ‘The way of the Lord is not just.’ Are my ways unjust, people of Israel? Is it not your ways that are unjust?
30 “Therefore, you Israelites, I will judge each of you according to your own ways, declares the Sovereign Lord. Repent!(AU) Turn away from all your offenses; then sin will not be your downfall.(AV) 31 Rid(AW) yourselves of all the offenses you have committed, and get a new heart(AX) and a new spirit. Why(AY) will you die, people of Israel?(AZ) 32 For I take no pleasure in the death of anyone, declares the Sovereign Lord. Repent(BA) and live!(BB)
Footnotes
- Ezekiel 18:10 Or things to a brother
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

