Add parallel Print Page Options

13 Ang akin namang panilo ay aking (A)ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at (B)aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; (C)gayon ma'y hindi niya makikita, (D)bagaman siya'y mamamatay roon.

14 At aking pangangalatin sa bawa't dako (E)ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at (F)aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

15 At kanilang malalaman na ako (G)ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain.

Read full chapter