Add parallel Print Page Options

Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y (A)hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy.

10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila.

11 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan.

Read full chapter