Add parallel Print Page Options

24 Nang(A) sila'y gumalaw, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang ugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, at ugong ng kaguluhan na gaya ng ingay ng isang hukbo. Kapag sila'y nakahinto, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.

25 At may tinig na nagmula sa itaas ng kalawakan na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo. Kapag sila'y nakahinto, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.

26 Sa(B) itaas ng kalawakan na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang trono na parang anyo ng batong zafiro. Sa ibabaw ng kawangis ng trono ay may kawangis ng isang tao na nakaupo sa itaas niyon.

Read full chapter