Add parallel Print Page Options

Ang kaluwalhatian na pangitain ni Ezekiel.

22 At sa ibabaw ng ulo (A)ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na (B)bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo.

23 At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon.

24 At (C)nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na (D)parang hugong ng maraming tubig, (E)parang tinig ng (F)Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.

Read full chapter