Add parallel Print Page Options

13 Sa(A) gitna ng mga nilalang na may buhay gaya ng mga bagang nagniningas, parang mga sulo na nagpaparoo't parito sa gitna ng mga nilalang na may buhay. Ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.

14 At ang mga nilalang na may buhay ay tumakbong paroo't parito na parang kislap ng kidlat.

Ang Apat na Gulong sa Pangitain ni Ezekiel

15 Samantalang(B) minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito ang isang gulong sa lupa sa tabi ng mga nilalang na may buhay, isa para sa bawat isa sa kanilang apat.

Read full chapter