Add parallel Print Page Options

At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon (A)sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan;

At ang handog na harina ay (B)isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa (C)ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa.

Mga bagay tungkol sa mga handog.

At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan:

At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa.

Read full chapter