Add parallel Print Page Options

Nakipag-usap sina Moises at Aaron sa Hari ng Egipto

Pagkatapos, pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon[a] at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: ‘Payagan mong umalis ang mga mamamayan ko, para makapagdaos sila ng pista sa ilang para sa akin.’ ”

Sinabi ng Faraon, “Sino ba ang Panginoon para makinig ako sa kanya at payagang umalis ang mga Israelita? Hindi ko kilala ang Panginoon at hindi ko paaalisin ang mga Israelita.”

Sumagot sina Moises at Aaron, “Nagpakita sa amin ang Dios ng mga Israelita. Kaya kung maaari, payagan mo kaming umalis ng tatlong araw papunta sa ilang para makapaghandog kami sa Panginoon naming Dios, dahil kung hindi, papatayin niya kami sa pamamagitan ng sakit o digmaan.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:1 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganito rin sa sumusunod na mga talata.
  2. 5:3 digmaan: sa literal, espada.