Add parallel Print Page Options

23 Gumawa rin sila ng pitong ilaw, mga panggupit ng mitsa nito, at mga pansahod sa upos ng mitsa ng ilaw. Purong ginto ang lahat ng ito. 24 Ang nagamit sa paggawa ng lalagyan ng ilaw at ng lahat ng kagamitan nito ay 35 kilong purong ginto.

Ang Paggawa ng Altar na Pagsusunugan ng Insenso(A)

25 Gumawa rin sila ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. Kwadrado ito, 18 pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad, at mga tatlong talampakan ang taas. May parang sungay ito sa mga sulok na kasama nang ginawa nang gawin ang altar.

Read full chapter