Add parallel Print Page Options

11 Pero sinabi ni Moises sa Dios,

“Sino po ba ako para pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita sa Egipto?”

12 Sinabi ng Dios, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Egipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”

13 Sinabi ni Moises sa Dios, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Dios ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin para iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”

14 Sumagot ang Dios kay Moises, “Ako nga ang Dios na ganoon pa rin.[a] Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ang Dios na ganoon pa rin ang nagpadala sa akin.’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:14 Ako … ganoon pa rin: o, Ako ay si ako nga. (Sa Ingles, “I am who I am” o, “I will be what I will be”.)