Add parallel Print Page Options

Ang Mga Damit ng mga Pari(A)

28 “Ibukod mo sa mga tao si Aaron at ang mga anak niyang lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari. Magpatahi ka ng banal na damit para sa kapatid mong si Aaron, para maparangalan siya. Sabihin mo sa lahat ng mahuhusay na mananahi na binigyan ko ng kakayahang manahi na itahi nila ng damit si Aaron na magbubukod sa kanya sa mga tao para makapaglingkod siya sa akin bilang pari.

Read full chapter