Add parallel Print Page Options

Ipasok ang tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar para mabuhat ang altar. Ang ipapagawa mong altar ay tabla at dapat bakante sa loob. Ipagawa ito ayon sa planong sinabi ko sa iyo roon sa bundok.

Ang Bakuran ng Toldang Sambahan(A)

“Palagyan ng bakuran ang Toldang Sambahan, at palibutan ito ng kurtina na gawa sa pinong telang linen. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan.

Read full chapter