Exodus 21
English Standard Version
Laws About Slaves
21 “Now these are the (A)rules that you shall set before them. 2 (B)When you buy a Hebrew slave,[a] he shall serve six years, and in the seventh he shall go out free, for nothing. 3 If he comes in single, he shall go out single; if he comes in married, then his wife shall go out with him. 4 If his master gives him a wife and she bears him sons or daughters, the wife and her children shall be her master's, and he shall go out alone. 5 But (C)if the slave plainly says, ‘I love my master, my wife, and my children; I will not go out free,’ 6 then his master shall bring him to (D)God, and he shall bring him to the door or the doorpost. And his master shall bore his ear through with an awl, and he shall be his slave forever.
7 “When a man (E)sells his daughter as a slave, she shall not go out as the male slaves do. 8 If she does not please her master, who has designated her[b] for himself, then he shall let her be redeemed. He shall have no right to sell her to a foreign people, since he has broken faith with her. 9 If he designates her for his son, he shall deal with her as with a daughter. 10 If he takes another wife to himself, he shall not diminish her food, her clothing, or (F)her marital rights. 11 And if he does not do these three things for her, she shall go out for nothing, without payment of money.
12 (G)“Whoever strikes a man so that he dies shall be put to death. 13 (H)But if he did not lie in wait for him, but God let him fall into his hand, then (I)I will appoint for you a place to which he may flee. 14 But if a man willfully attacks another to kill him by cunning, (J)you shall take him from my altar, that he may die.
15 “Whoever strikes his father or his mother shall be put to death.
16 (K)“Whoever steals a man and sells him, and anyone found (L)in possession of him, shall be put to death.
17 (M)“Whoever curses[c] his father or his mother shall be put to death.
18 “When men quarrel and one strikes the other with a stone or with his fist and the man does not die but takes to his bed, 19 then if the man rises again and walks outdoors with his staff, he who struck him shall be clear; only he shall pay for the loss of his time, and shall have him thoroughly healed.
20 “When a man strikes his slave, male or female, with a rod and the slave dies under his hand, he shall be avenged. 21 But if the slave survives a day or two, he is not to be avenged, for the (N)slave is his money.
22 “When men strive together and hit a pregnant woman, so that her children come out, but there is no harm, the one who hit her shall surely be fined, as the woman's husband shall impose on him, and (O)he shall pay as the (P)judges determine. 23 But if there is harm,[d] then you shall pay (Q)life for life, 24 (R)eye for eye, tooth for tooth, hand for hand, foot for foot, 25 burn for burn, wound for wound, stripe for stripe.
26 “When a man strikes the eye of his slave, male or female, and destroys it, he shall let the slave go free because of his eye. 27 If he knocks out the tooth of his slave, male or female, he shall let the slave go free because of his tooth.
28 “When an ox gores a man or a woman to death, the (S)ox shall be stoned, and its flesh shall not be eaten, but the owner of the ox shall not be liable. 29 But if the ox has been accustomed to gore in the past, and its owner has been warned but has not kept it in, and it kills a man or a woman, the ox shall be stoned, and its owner also shall be put to death. 30 If (T)a ransom is imposed on him, then (U)he shall give for the redemption of his life whatever is imposed on him. 31 If it gores a man's son or daughter, he shall be dealt with according to this same rule. 32 If the ox gores a slave, male or female, the owner shall give to their master (V)thirty shekels[e] of silver, and (W)the ox shall be stoned.
Laws About Restitution
33 “When a man opens a pit, or when a man digs a pit and does not cover it, and an ox or a donkey falls into it, 34 the owner of the pit shall make restoration. He shall give money to its owner, and the dead beast shall be his.
35 “When one man's ox butts another's, so that it dies, then they shall sell the live ox and share its price, and the dead beast also they shall share. 36 Or if it is known that the ox has been accustomed to gore in the past, and its owner has not kept it in, he shall repay ox for ox, and the dead beast shall be his.
Footnotes
- Exodus 21:2 Or servant; the Hebrew term ‘ebed designates a range of social and economic roles; also verses 5, 6, 7, 20, 21, 26, 27, 32 (see Preface)
- Exodus 21:8 Or so that he has not designated her
- Exodus 21:17 Or dishonors; Septuagint reviles
- Exodus 21:23 Or so that her children come out and it is clear who was to blame, he shall be fined as the woman's husband shall impose on him, and he alone shall pay. 23 If it is unclear who was to blame
- Exodus 21:32 A shekel was about 2/5 ounce or 11 grams
Exodo 21
Ang Biblia, 2001
Tuntunin tungkol sa mga Alipin(A)
21 “Ito naman ang mga tuntunin na igagawad mo sa harap nila.
2 Kapag(B) ikaw ay bumili ng isang lalaking alipin na Hebreo, siya ay maglilingkod ng anim na taon, ngunit sa ikapito ay aalis siyang malaya, walang pananagutan.
3 Kung siya'y pumasok na mag-isa, siya ay aalis na mag-isa, kung siya ay pumasok na may asawa, ang kanyang asawa nga ay aalis na kasama niya.
4 Kung siya'y bibigyan ng kanyang amo ng asawa at nagkaanak sa kanya ng mga lalaki o mga babae; ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak ay magiging sa kanyang amo, at siya'y aalis na mag-isa.
5 Subalit kung maliwanag na sasabihin ng alipin, ‘Mahal ko ang aking amo, ang aking asawa, at ang aking mga anak, ako'y hindi aalis na malaya;’
6 ay dadalhin siya ng kanyang amo sa Diyos,[a] dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto, at bubutasan ng kanyang amo ang kanyang tainga ng isang pambutas; at siya'y maglilingkod sa kanya habambuhay.
7 “Kung ipagbili ng isang lalaki ang kanyang anak na babae bilang isang alipin, hindi siya aalis na gaya ng pag-alis ng mga aliping lalaki.
8 Kung hindi siya kinalugdan ng kanyang amo na umangkin sa kanya bilang asawa, ay kanyang ipapatubos siya; wala siyang karapatang ipagbili siya sa isang dayuhan, yamang siya'y hindi niya pinakitunguhan nang tapat.
9 Kung siya ay itinalaga niya para sa kanyang anak na lalaki, kanyang papakitunguhan siya tulad sa isang malayang anak na babae.
10 Kung siya'y[b] mag-asawa ng iba, ang kanyang[c] pagkain, damit, at karapatan bilang asawa ay hindi niya babawasan.
11 Kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito para sa kanya, siya ay aalis na walang bayad, na walang itinubos na salapi.
Mga Utos tungkol sa Pananakit
12 “Sinumang(C) manakit ng isang tao at mamatay ito, ay walang pagsalang papatayin.
13 Ngunit(D) kung hindi ito sinasadya ng isang tao, kundi Diyos ang naghulog sa kanyang kamay; ay ipaglalaan kita ng isang lugar na maaaring takbuhan ng nakamatay.
14 Kung magbalak ang sinuman sa kanyang kapwa na patayin siya nang pataksil, aalisin mo siya sa aking dambana upang siya'y mamatay.
15 “Ang manakit sa kanyang ama o sa kanyang ina ay papatayin.
16 “Ang(E) magnakaw ng isang tao, ipagbili man siya o matagpuan sa kanyang kamay, siya ay papatayin.
17 “Ang(F) magmura sa kanyang ama, o sa kanyang ina ay papatayin.
18 “Kapag may nag-away at sinaktan ng isang tao ang kanyang kapwa sa pamamagitan ng bato o ng kanyang kamay, at hindi namatay ang tao, kundi naratay sa higaan;
19 kung makabangon siya uli at makalakad sa tulong ng kanyang tungkod, ligtas sa parusa ang nanakit sa kanya; babayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kanyang ipapagamot siyang lubos.
20 “Kung saktan ng sinuman ang kanyang aliping lalaki o aliping babae ng tungkod at mamatay sa kanyang kamay, siya ay parurusahan.
21 Gayunma'y, kung tumagal ang alipin ng isa o dalawang araw, hindi siya parurusahan; sapagkat siya'y kanyang salapi.
22 “Kung mag-away ang dalawang lalaki at makasakit ng isang babaing nagdadalang-tao, na anupa't makunan, at gayunma'y walang pinsalang sumunod, pagbabayarin ang nakasakit, ayon sa iaatang sa kanya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom.
23 Subalit kung may anumang pinsalang sumunod, magbibigay ka nga ng buhay para sa buhay,
24 mata(G) sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa,
25 pasò sa pasò, sugat sa sugat, hagupit sa hagupit.
26 “At kung saktan ng sinuman ang mata ng kanyang aliping lalaki, o ang mata ng kanyang aliping babae at mabulag, kanyang papalayain ang alipin upang matumbasan ang mata.
27 Kung kanyang bungian ng ngipin ang kanyang aliping lalaki o babae ay kanyang palalayain ang alipin dahil sa kanyang ngipin.
28 “Kung suwagin ng isang baka ang isang lalaki o ang isang babae, anupa't namatay, babatuhin ang baka at ang kanyang laman ay hindi kakainin; subalit ang may-ari ng baka ay pawawalang-sala.
29 Ngunit kung ang baka ay dati nang nanunuwag at naisumbong na sa may-ari ngunit hindi niya ikinulong, anupa't nakamatay ng isang lalaki, o isang babae, babatuhin ang baka at ang may-ari niyon ay papatayin din.
30 Kung siya'y atangan ng pantubos, magbibigay siya ng pantubos sa kanyang buhay anuman ang iniatang sa kanya.
31 Kung suwagin nito ang anak na lalaki o babae ng isang tao ay gagawin sa kanya ayon sa kahatulang ito.
32 Kung suwagin ng baka ang isang aliping lalaki o babae ay magbabayad ang may-ari ng tatlumpung siklong pilak sa kanilang amo, at ang baka ay babatuhin.
33 “Kung iwanang bukas ng sinuman ang isang balon, o kung huhukay ng isang balon at hindi ito tatakpan, at ang isang baka o ang isang asno ay mahulog dito,
34 magbabayad ang may-ari ng balon; magbabayad siya ng salapi sa may-ari niyon, at ang patay na hayop ay magiging kanya.
35 “Kung ang baka ng sinuman ay nanakit sa baka ng iba, na anupa't namatay, kanila ngang ipagbibili ang bakang buháy, at kanilang paghahatian ang halaga niyon; at ang patay ay paghahatian din nila.
36 O kung kilala na ang baka ay dati nang manunuwag, at hindi ikinulong ng may-ari, magbabayad siya ng baka sa baka, at ang patay na hayop ay magiging kanya.
Footnotes
- Exodo 21:6 o sa mga hukom .
- Exodo 21:10 o ang amo ay .
- Exodo 21:10 Samakatuwid ay ang unang asawa .
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

