Add parallel Print Page Options

2-3 Pinauwi noon ni Moises kay Jetro na kanyang biyenan ang asawa niyang si Zipora at ang dalawang anak nilang lalaki. Ang pangalan ng panganay ay Gershom,[a] dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Dayuhan ako sa ibang lupain.” Ang pangalan ng pangalawa ay Eliezer,[b] dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Ang Dios ng aking ama[c] ang tumutulong sa akin. Iniligtas niya ako sa espada ng Faraon.”

Ngayon, pumunta sila Jetro, ang asawa ni Moises at ang dalawa nilang anak sa pinagkakampuhan ni Moises sa ilang, malapit sa bundok ng Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:2-3 Gershom: Ang ibig sabihin, dayuhan doon.
  2. 18:4 Eliezer: Ang ibig sabihin, Ang Dios ang tumutulong sa akin.
  3. 18:4 ama: o, ninuno.